CHAPTER 1

by mizbrokenangel 10:08,Jan 06,2021


“OHMYGOD! I’m late!!!” I quickly shouted as I opened my eyes and saw the rays of the sun hits my window. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at kaagad na tinignan ang orasan upang masigurado ko ang oras. Ohno!

Nine AM.

WHUUT? 9 AM?

“Geez! I’m super late.” Anas ko sa sarili ko bago kaagad na pumasok ng banyo upang maghilamos. Matapos niyon ay dali-dali na din akong bumaba. May alanganing ngiti sa aking mukha habang naglalakad patungong living room.

Sakto naman na nakita ko si Yaya.

“Yaya, Si Mommy po?” pagtatanong ko naman.

Hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang paga-alinlangan nito, kaya agad akong nanghinala sa maaaring sagot sa tanong ko.

“Ya…Si Mommy?”

Napabuntong hininga naman si Yaya dahil duon. “Sharm iha, ang Mommy mo kasi…umalis siya, pero nangako naman siya na babalik siya agad. Kinailangan lang siya ng biglaan sa kompanya nyo.” Ani ni Yaya na ikina-buntong hininga ko.

Napangiti ako ng mapait habang napapa-iling. “Hay naku. Mom never failed in betraying me. Hindi pa rin ako nasanay.” Mapait na ani ko at agad na tinalikuran si Yaya upang bumalik sa kwarto.

Nang makapasok sa loob ng kwarto agad ko din iyong ini-lock at ibinagsak ang katawan sa kama. Ano pa nga ‘bang asahan ko kay Mommy? Ganyan naman siya lagi. Laging hindi tumutupad sa usapan. Ang tanga ko lang para maniwala pa sa kanya na gusto niya akong makasama. She told me that she wanted to teach me how to bake well, pero wala naman siya. Worst is nandun na naman siya sa pinakamamahal niyang kompanya. Pareho lang sila ni Dad.

Kung hindi rin lang naman sana ako mabibigyan ng oras sana hindi na lang sila nagkaroon ng anak. Sana nag-focus na lang sila sa kompanya nila kesa magkaroon ng pamilya. Hindi ko nga alam kung matatawag kaming pamilya. I can’t even feel a little bit of care and love from them, nag-iisa na nga lang ako hindi pa nila ako matapunan ng kahit kaunting oras nila.

And this, this Baking Lesson “sana” ang magiging way ni Mom para makabawi pero it looks like binale-wala niya ulit. Maybe they do not love me as much as how they love the company. Ang pangit ng kwento ng buhay ko, laging may kaagaw sa oras ng mga magulang. And most worst is that hindi tao ang kaagaw ko, kundi bagay.

Ang kompanya at ang kayamanan na kayang ibigay ‘nun sa kanila.

***

Sa sobrang sama ng loob at bigat ng pakiramdam, hindi ko namalayan na naka-idlip na pala ako. Kung hindi pa ako ginising nang ringtone ng cellphone ko baka kasalukuyan pa akong natutulog ngayon. But wait----speaking of phone ringtone, may tumatawag sa akin. I quickly get up from my bed and took my cellphone from my bedside table. I look at the caller but I frowned when I see that it was an unregistered number.

I accepted the call still frowning, “Hello. Who’s this?” bungad ko naman.

“May I speak to Miss Lyka Gonzales?” ani naman ng kabilang linya na ikinataas ng kilay ko.

“Lyka Gonzales speaking, anong kailangan nyo sa akin?” I continuously ask.

“Good Day Ma’am Gonzales, I am Steve Pineda, head admin of the admission office from Arellano University. In grant of your Mother’s favor this year, your application has been accepted.” The other line said that made me frowned.

“Wait---what favor are you talking about?”

“The favor that your mother has requested from us to enroll you in our School right away, Ma’am.”

My eyes widened as my mouth hang.

WHAT!?

“Wait Sir, are you saying that I am already enrolled in your University?” I asked, still shocked.

“Yes, Ma’am.” He answered. Oh god. Mommy!

I heave a deep consecutive sighs before speaking.

“I’m sorry Sir but I’m not interested in your University. I already preferred a school which I’d like to be enrolled in. Sorry.” I said as I rolled my eyes. Hindi ko hahayaan na kontrolin na naman ni Mommy ang buhay ko. Ohgosh! Pati ba naman ang school na papasukan ko sa College gusto niyang diktahan?

“Sorry Ma’am but you can’t decline this. According to your mother, if you decline us you cannot enter any colleges and universities inside the Philippines.” Ani pa nito na mas lalong nagpatindi ng inis ko. My hands are trembling in too much annoyance. How can Mom do this to me? I sighed as tears started to roll from my eyes again.

“We are expecting you on June 5 Ma’am Gonzales. 8:00 am, that’s the School Orientation. Thank you!” then the next thing I heard is the signaling sound that the call has been ended.

Walang gana naman akong napaupo sa kama ko. Here she is again. Hindi pa ba sapat na pinapaasa nya ako at laging sinasaktan? Hindi nya ba alam na gusto ko din namang maging independent? What kind of Mom is she? Mabuti pa ang mga kaibigan ko, their Mom is always there to support them. Habang ako, wala na ngang oras sakin ang mga magulang ko patuloy pa nilang kino-kontrol at dinidiktahan ang buhay ko.

What life is this? It’s eventually a hellish one.

With that…I sighed.


Download APP, continue reading

Chapters

60