CHAPTER 3

by mizbrokenangel 10:08,Jan 06,2021


My whole day was a mess! Seriously speaking, talagang napaka-malas ng araw na ito for me. And that is because of an annoying guy who keeps on pestering me. Grr!

I almost punch him, kaso natigilan ako dahil sa mga nakakatakot at nakakakilabot na tingin ng mga kaklase ko.

And now, I’m starting to ask myself kung sino ba ang lalaking iyon. Ang narinig ko lang kanina bukod sa sikat siya ay isa din siyang’prince’. Prinsipe ng ano naman kaya? Prinsipe ng kayabangan? Ng kaarogantehan? O nang kagwapu---aish! Ano bang sinasabi ko? Nababaliw na ba ako? Sinasapian ba ako? The heck!

Well, he is handsome, yes he is. But his handsomeness doesn’t suit his attitude.

I sighed in annoyance. Gosh! It was just the first day of school, and my freshman life. I will stay there for 4 years for pete’s sake! Can I survive that? Ugh! Pasimple ‘kong inihagis ang bag ko sa kama ko at agad na humilata na para ‘bang pagod na pagod ako. Well, it’s true. I was really tired. Kung pwede lang talagang magreklamo kay Mom, I swear kanina ko pa ginawa! But I don’t want to talk to her. She was the reason and the one who should be blamed. I hate her. Gusto niyang nahihirapan ako.

MAAGA akong umalis sa bahay dahil hindi ko feel na mag-stay duon. Lalo na’t nandun ang nanay ‘kong daig pa si Marcos sa pagiging Control freak.

Kasalukuyan ‘kong binabagtas ang kalsada patungong Arellano gamit ang sarili ‘kong kotse. Yes, I have my own car. Marunong din akong mag-drive at mayroon din akong Student License incase na may pumansin sakin. Goodness! Sobrang namiss ko ang kotse ko na ito dahil ilang taon din itong naging untouchable dahil na din kay Mommy. As always. Lagi naman syang ganyan, once you reject her, you’ll suffer. Yon na ata ang motto niya in life. But, I thought I have suffered enough, pero nagkamali ako. Her punishment is still on-going because she still controls and dictates my life.

I sighed in too much irritation at wala sa sariling napatingin sa mga establishment na nagkalat sa paligid, at agad na natuon ang atensyon ko sa isang kilalang café. I smiled as I quickly maneuvered the car on the right and parked it on the parking area of the establishment. Mabilis ‘kong pinatay ang makina ng kotse at agad na binuksan ang pinto at lumabas duon.

I quickly entered the establishment and head to the counter to give my order. A Nutella drink.

“Copy Ma’am” ani nang barista kaya naman nginitian ko ito at naghanap ng mauupuan. Kaunti lang naman ang tao sa loob ng star bucks kaya naman hindi ako nahirapang maghanap. I chose the vacant table nearest to the glass wall kung saan kitang-kita ang kalsada. Bukod sa gusto ‘kong makita ang mga nag-uunahang sasakyan, binabantayan ko din ang kotse ko na nasa parking. Mahirap na, baka may mangyari pang kung ano dito. Ngayon ko na nga lang to nakasama tapos may mangyayari pang di kaaya-aya. Aba! I won’t let that happen.

Several minutes later ay dumating na din ang order ko. It smells good. Darn! Yummy. Akmang iuumang ko na ang Nutella drink sa bibig ko nang mahagip ng mata ko ang naka-cap na lalaki na nakaupo sa table na ino-okupa ko. Natatakpan ng suot niyang bull cap ang mukha niya kaya naman napuno ng pagtataka ang mukha ko. Nakasuot din ito ng itim na leather jacket. Sino naman kaya ito? Ang creepy nya ha!

Balak ko na sanang hindi siya pansinin nang inangat niya ang ulo niya, at duon ko napansin na naka-sunglass siya na mas nagpa-weird sa kanya. Suddenly, nakaramdam ako ng takot.

“H-hey, is there something w-wrong?” pilit ‘kong itinatago ang takot na nararamdaman ko. Well this is a safe place, alam ‘kong balot din ng CCTV ang lugar kaya wala dapat akong ipag-alala.

The stranger keeps on hiding his identity at tila wala itong balak na sumagot. Balak ko na sanang umalis dahil natatakot na talaga ako sa kanya. Akmang tatayo na ako bitbit ang Nutella drink ko nang bigla na lang hinigit ng weid na lalaki ang braso ko na nagdulot ng matinding kilabot sa buong pagkatao ko.

I am about to shout to notify all the customers when the man suddenly take off his sun glass, and later on I saw his gray colored eyes and his whole face that made my mouth hang.

“Gotcha!” Nanlaki naman ang mata ko nang makilala ko ang may-ari ng kulay abong mata na iyon.

“Carl?” I asked in shock and disbelief.

Her lips formed a smile before wearing off his cap. “You still know me, it’s a pleasure.” He said then after wards released a chuckle.

I sat back on my seat and smiled. “Bat naman kita kakalimutan? Ikaw si Carl Pineda. Sino ba naman ang mangangahas na kalimutan ka? Bukod sa gwapo ka, malakas ang appeal ay mayaman ka pa. You are almost all the woman’s dream.” Mahabang ani ko naman.

He smiled genuinely, “Nakaka-pagyabang naman ng mga sinabi mo. I’m honored. Baka mamaya, masobrahan na ako sa yabang niyan dahil sa mga papuri mo.”

“Naku! Wag kang aabot sa ganun. Promise me! Don’t be a dumb ass person and an arrogant guy. I hate someone who has that kind of attitude.” Mapait na tugon ko at di ko mapigilan ang mapa-irap sa hangin dahil naalala ko ang mukha nung aroganteng mayabang na iyon.

“Mukhang may issue ka sa mga mayayabang ah. It’s not that I am in contrast of your perception and opinion, pero mas mainis ka dapat sa mga taong nagyayabang kahit wala naman talagang maipagmamayabang. Diba mas nakakainis yon?” sagot naman ni Carl na mga nagpaisip sa akin. Mas nakakainis nga naman talaga ang taong ganun. Suddenly, bigla na lang in-invade ng aroganteng lalaki na yaon ang utak ko. Well, okay lang naman na magyabang siya because he have the looks after all. Baliw ako pag sinabi kong hindi siya gwapo. Ang ayoko lang e ang kaarogantehan niya at kaangasan. Para kasing gusto niya na malaman ng lahat kung sino siya at kung gaano siya ka-powerful. Masyadong bilib sa sarili.

“I guess you encountered someone who is arrogant.” He said na ikinabalik ng atensyon ko sa kanya. “Para kasing lumilipad ang utak mo e.” napakurap kurap naman ako nun.

“Oh sorry.” Paghingi ko naman ng paumanhin. Bat ng aba ako nagi-space out? At bat ko naman siya iniisip? Geez. Ano ‘bang nangyayari sakin?

“By the way, where are you up to?”

In a snap, agad na bumalik sa ala-ala ko ang oras ng pasok ko. Tinignan ko ang relo ko at malapit nang mag-eight. OHMYGOD! Mahuhuli na ako sa klase ko. Mabilis akong tumayo habang bitbit ang Nutella drink na in-order ko, “Naku Carl! It was nice to chatting with you but I have my class today. I need to go.” Paalam ko at akmang aalis ng bigla niyang higitin muli ang braso ko na naging dahilan pala mapahinto ako, at napatingin sa kanya.

He just let out a smile, “Ihahatid na kita duon. I have my Ducati with me.” He offered.

Ducati? Gusto ‘kong sumakay duon kaso dala ko ang kotse ko. Aish!

I pouted as I shakes my head, “Sorry carl, kahit gusto ko hindi pwede. Dala ko kasi ang Baby Trevita ko e.” I said.

Nakita ko naman ang pagkawala ng ngiti sa mga labi niya at sunud-sunod na pagtango. “Is that so? Hmm, I’m happy na pumayag na si Tita na gamitin mo ulit ang kotse mo.

May paga-alinlangan naman akong napangiti. “Partially, ang totoo nyan, kay Yaya lang ako nagpaalam, hindi kay Mom. You know, ‘were not in good terms.”

“Ikaw talaga! Tinakas mo na naman, I’m sure Tita will get mad at you again.”

Napa-ismid naman ako. “As if I care. She was the one who made me mad first. She controlled and dictates my life. She just enrolled me in a university na hindi ko man lang alam.” I blurted out in anger.

“It’s fine. I know that Tita just want to make sure that you’ll be okay.” Sana nga okay, eh hindi naman. Piping usal ko.

“I hope so. I just hope.” I said. “By the way, I really need to go. Male-late na ako.” Ani ko na lang at agad na naglakad palayo. Nang makalabas ako sa Starbucks, agad ‘kong tinungo ang kotse ko at pumasok, bago agad na pina-andar ang makina at agad nag drive palayo.

Its really good to met old friends halfway. Nakaka-gaan ng pakiramdam.

When I arrived, agad ‘kong ipinark ang kotse ko at pinatay ang makina bago tuluyang lumabas. Papasok na ako ng gate ng Arellano University nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.

At nang lingunin ko kung sino iyon, napakunot noo ako nang makita si Carl.

“Carl? Sinundan moko?” I ask, confused.

He chuckled. “It’s cheesy to admit but yes, I forgot to get your number. So please save your number here.” He said then gave his phone to me.

I immediately took it and typed my number, “Here. Now, I have to go.” I said.

“Okay, I’ll call you later!” He smiled before turning his back at me. Ako naman, nakangiti akong pumasok sa loob ng Arellano. Pero agad na naglaho iyon ng makita ko ang damuho.

[Kobe’s Point of View]

AGAD na nag init ang ulo ko nang makitang nakagiti ‘yung babaeng yon ng makapasok sa Campus. Psh! Porke hinatid siya nung lalaking may average na kagwapuhan lang na taglay e pangiti-ngiti pa. Di hamak na mas gwapo naman ako duon. Lamang ako ng isang libong paligo at toothbrush kesa sa kanya.

Tinignan ko lang ang nakakainis na weirdong babae na yon hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa na talagang naghatid sakin ng kakaibang kilabot. What the fvck! Ano ‘yong kilabot na yon? May multo ba? Aish!

Her smile has been erased quickly when she sees me. She gave me a death glare, at inirapan ako bago tuluyang naglakad ng mabilis. Di makapaniwalang napatawa ako habang napapailing. That woman! She’s really weird.

But I want to follow her…so I did. I smirked.

[Sharm’s POV]

NILAMPASAN ko na lang ‘yung damuho. As long as kaya ko, ako na lang ang iiwas para hindi magkagulo. Bahala na kung magmukha akong duwag, ang mahalaga peaceful ang buhay ko.

I was busy walking when someone’s hand suddenly pulled me that made me stopped. Nakakunot noo akong lumingon dahil sa iritasyon.

“You’re avoiding me, don’t you?” The idiot said and he smirked. Talagang iniinis na ako nitong damuho na ito. Konti na lang, nauubos na ang pasensya ko.

Iwinaksi ko ang mga kamay nito na nakakapit sa braso ko bago siya tinignan nang masama. “Yes, I admit. I am avoiding you because you are harmful. Kaya pwede ba, wag ka nang lumapit. I don’t wanna be close to you.” Inis na tugon ko dito.

“Silly girl, you can’t just avoid me like this. Pagkatapos ‘mo akong tawagin ng kung anu-anong bad names, then iiwas ka na parang walang nangyari. Don’t you know how my pride was down because of that!” mahabang litanya nito. Inirapan ko lang naman ito ulit.

I sighed. “Ok fine. You want me to say sorry? Then so be it. Sorry for my mistakes yesterday. Okay na? Can I leave now?” shocks! Ano ‘bang nakain ko at nagso-sorry ako sa aroganteng lalaki na ‘to.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad, pero nakaka-ilang hakbang palang ako agad na namang may humawak at pumigil ng braso ko. Napupuno na ako ah.

“Ano na naman? Ano ‘pang kailangan mo?” I squeeled.

Nakatingin lang naman ang damuho sakin ng seryoso. Sa uri ng tingin niya parang pati kaluluwa ko kinakalkal.

“Sino ang lalaking naghatid sayo?” agad na nangunot ang nook o sa tanong niya. What? Bat nya ako tinatanong?

“What do you mean?” I asked back. Pero di pa din natinag ang tingin nito, seryoso pa din.

“I only repeat my question twice. Sino ang naghatid sayo?” seryosong tanong ulit nito. And in that, di ko na naman napigilang mapa-roll eyes.

“Walang naghatid sakin, pwede ba? Tigilan mo na ako.”

“Liar! I saw you with my two perfect eyes, may kasama kang lalaki bago ka pumasok sa campus.” Anito.

Maybe he is referring to Carl. Teka nga! Eh ano ‘bang problema niya at anong pakialam nya?

“At bakit mo naman gustong alamin kung sino iyon?” balik tanong ko dito.

“Because I’m curious.”

“Curiousity kills the cat—“

“---and I’m not a cat so curiousity can’t kill me. Just spill the name then you can leave.”

Napabuntung-hininga na lang naman ako nun as a sign of defeat. “Fine. He is Carl Pineda, a friend of mine. Now that you know, can I leave?” puno ng sarkasmong tugon ko. He just nodded as an answer kaya naman tumalikod na ako at nagmamadaling naglakad palayo. Mahirap na, baka pigilan na naman ako.

Gosh! If he is always like this, nah! I’m gonna suffer the whole 4 years. Grrr!


Download APP, continue reading

Chapters

60