Chapter 1

by IceOnMyEyes 17:05,Dec 18,2020
Nakatulala lamang ako habang naglalakad patungo sa kung saan habang paulit-ulit na tinatanong sa aking sarili, hanggang kailan ko ba dadalhin ang kamalasan ng mundo? Isang malalim na buntong hininga napakawalan ko habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. Gusto kong umiyak ng umiyak, pero wala namang lumalabas na luha mula sa mga mata ko.

Pinalayas ako ng magulang ko dahil lang sa kasalanang hindi ko naman ginawa, pinagalitan ako ng aking prof dahil wala akong nagawang activities sa lahat ng subject, iniwan at tinalikuran ako ng mga kinikilala kong kaibigan at higit sa lahat ay niloko ako ng taong minahal ko ng ilang taon.

Sinu-sino pa kaya ang mananakit ng damdamin ko? Napakaimposible kung hihilingin ko na sana ay maglaho na lamang ako sa mundo kaya naman wala akong magawa kundi ang mapabuntong hininga na lamang.

Napasulyap ako sa isang babae at lalake na nakasalubong ko. Magkahawak sila ng kamay at masayang nagkukuwentuhan. Kaya naman nang mabangga nila ko ay hindi nila iyon napansin. Napaupo ako sa lupa dahil sa nangyari, pero kahit paghingi ng tawad o sulyap ay hindi nila ginawa. Tumayo na lamang ako at pinagpag ang suot kong damit na nadumihan. Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang nangyari. Ultimo, umakto yata ng tama ay hindi ko na rin alam.

Lumipas ang ilang oras ng aking kakalakad ay napadaan ako sa isang parke. Sa gitna nito ay may isang wishing fountain na kinatutumpukan ng maraming tao lalo na ng mga babae. Marahil ay naniniwala ang mga ito na sa isang hiling lamang sa wishing fountain kapalit ng barya ay matutupad na ang kanilang kahilingan. Napailing ako sa nakita. Matutupad ba ang isang kahilingan kung wala namang ginagawa ang humiling para matupad ang kanyang kahilingan?

Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil ayokong pagmasdan ang mga taong piniling maghintay kaysa gumawa. Bakit ba kailangan pang magmahal? Napakamisteryoso ng pag-ibig kaya bakit kailangan pang magmahal kung hindi ka naman sigurado sa kalalabasan? Aminin man ng iba o hindi, may mga bagay na nawawala ang pag-ibig ng isang tao pagdating ng isang araw kahit pa man niya kamahal ang isang tao. Kaya bakit kailangan pang magmahal?

Puno ng pagbabalat-kayo ang mundo at lagi lang naman nasasaktan ang isang tao sa tuwing nagmamahal ito. Kaya mas mabuti pa na mawala na lamang ang pag-ibig ng tao sa isa't-isa para wala na ring magdusa.

Napaatras ako pabalik ng may dumaan na isang puting van sa harapan ko. Sa sobrang bilis nito ay muntikan pa ko masagasaan. Napangiti ako sa aking sarili dahil sa naisip habang pinagpatuloy ang aking pagtawid sa isang kalsada. Parang kahit ang sarili ko ay niloloko ko na rin. Parang kanina lang ay hinihiling ko sa aking isipan na sana ay mamatay nalang ako, pero nang muntikan na kong masagasaan ng isang van ay umatras ako para isalba ang buhay ko.

Napahinto ako sa aking paglalakad ng may humila ng laylayan ng aking damit mula sa likod. "Penge naman pong barya, pambili lang ng pagkain."

Napaharap ako sa isang batang babaeng gusgusin. Tumitig ako sa kanya nang hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon. Nakikita ko ang nangungusap niyang mga mata sa akin upang bigyan ko siya. Kitang-kita ko ang lungkot, pagod, at lungkot sa kanyang mukha, pero hindi ko mawari kung bakit wala akong maramdaman na kahit katiting na awa mula sa kanya. Dahil ba galit ang nangingibabaw sa akin ng makita ko siya? O dahil nagagalit ako sa kung sino mang magulang niya dahil sa nararanasang paghihirap ng anak niya ngayon? Marahil dahil sa mga mapanuri kong tingin ay umalis na lamang ang bata na walang sinasabing kahit ano. Dahil sa bata ay parang nakasaksi na naman ako ng isang taong pinabayaan ng sarili niyang kadugo.

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at hindi ininda ang sakit ng aking paa. Masasabi ko bang mahal ko ang sarili ko dahil sa ginagawa ko ngayon? Marahil ay ito ang dahilan kung bakit iniwan ako ng mga taong minahal ko. Dahil kahit ako ay hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.

Nagbalik sa realidad ang isip ko ng makarinig ako ng tunog ng isang trak pang-konstraksiyon. Napalingon ako sa aking bandang kanan at doon ko lamang napansin na may mataas na instraktura palang ginagawa dito. Nang ituon ko naman ang aking tingin sa aking unahan ay nakita ko ang ilang mga tao na lumalampas sa akin pagkatapos ako tingnan panandalian. Ang ilan pa nga ay bumubulong pa bago ako lagpasan.

"Umiiyak ‘yong babae.”

"Iniwan siguro ng jowa niya." Ilan lang ‘yan sa mga naririnig kong bulungan nila.

Natigilan ako sa narinig at napahawak sa aking pisngi. Nakapa ko ang tubig na nagmula siguro sa aking mata. Bahagya akong napangiti. Akala ko ay wala na kong kakayahan para lumuha, hindi pala. Hindi ko lang siguro napansin ang luha na tumulo sa aking pisngi dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Tumingala ako sa mga trabahador ng konstruksyon na kasalukuyang nagtatrabaho sa ikalawang palapag ng gusali. Sila ang mga taong may mas delikadong trabaho, pero ang suweldong mayroon sila ay hindi mo maikukumpara sa mga taong nagtatrabaho sa opisina. Ibababa ko na sana ang aking paningin at magpapatuloy ng paglalakad ng makita kong nasagi ng isang trabahador ang malaki at malapad na bakal na nasa kanyang tabi at dahil doon ay nalaglag ito sakto sa puwesto kung nasaan ako nakatayo ngayon.

Mas’yado akong nabigla kaya hindi na ko nakaiwas pa ng malaglag ito mismo aking ulo. Napadapa ako sa sahig at nakita ko ang agad na pagdaloy ng dugo mula sa aking ulo patungo sa sahig na hinihigaan ko. Narinig ko na nagkagulo ang mga tao sa paligid pati ang mga trabahador dahil sa nangyari. Hindi ko maintindihan ang kanilang sinasabi dahil parang naglaho bigla ang anim na pandama ko. Pinikit ko na lamang ang aking mata ng makaramdam ako ng pagkahilo. Napahikbi ako ng tila umiikot ang pakiramdam ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay himalang tila nawala bigla ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Kaya naman minulat ko na ang aking mata. Natigilan ako ng makitang wala na ang dugo na kanina lang ay hinihigaan ko. Wala na rin ang bakal na kanina lang ay nakapatong sa ulo ko.

"Sino ka at nakahiga ka d’yan sa sahig? Naapektuhan ka rin ba ng lumalaganap na sakit?"

Mabilis akong tumayo at humarap sa matandang babae na nagsalita. Walang emosyon ang kanyang mukha ng mapagmasdan ko siya at parang ang laki ng galit niya sa akin dahil sobrang talim ng bawat titig niya. Nguni mas lalo akong natigilan sa sunod niyang sinabi.

"Nasa taong 3100 na. Kung gusto mo pang mapigilan ang paglala ng iyong karamdaman ay tigilan mo ng magmahal ulit.”

Download APP, continue reading

Chapters

55