Chapter 3

by IceOnMyEyes 19:19,Dec 18,2020

ROSALINDA DELFIN

Nagdadalamhati pa ang aking damdamin dahil sa impormasyon na nalaman ay natigilan na ko sa paglalakad dahil sa nakitang malaking karatula sa aking bandang kanan. Nakasulat doon ang pangalan na sinabi ng babae kanina.

MfJ

Napangiti ako sa nakita at sa sobrang pananabik ko na makapasok sa loob ay nagtuloy-tuloy na kong pumasok ng hindi inaalam kung may tao o wala.

Kumpara sa mga nakikita ko kanina, ang style ng bahay ay hindi pang-makaluma. Simple lang yung bahay, pero mararamdaman mo yung maka-modernong panahon dahil sa bahay na bato na nakita ko. Malaki ito kapag pinagmasdan mo sa labas, pero kapag pumasok kana ay mas malaki ito kumpara sa labas.

Tiles din yung sahig at may chandilier pa sa kisame. Inilibot ko pa ang paningin ko at nakakita ako ng isang paikot na hagdan at sa gilid nito ay may elevator.

Hanggang ilang palapag kaya ang bahay na ito at saka bakit parang wala yatang ni isang security guard?

"Anong maipaglilingkod ko sa iyo, binibini?"

Muntikan na kong mapatakbo ulit sa labas dahil sa gulat ng may magsalita mula sa aking likuran. Napahawak ako sa aking dibdib dala ang aking mga pinamili sa aking kaliwang kamay ng lumingon ako sa likuran at nakita ko ang isang babae na nakabaro't saya na mukhang mamahalin pa ang disenyo.

Bukod pa doon, kumikinang ang kanyang tainga, leeg, at kamay dahil sa mga alahas na gintong suot niya. Nakapusod siya ng kanyang buhok. Napataas ang kilay ko ng makitang ultimo yata ang pangtali niya ay ginto rin.

Katulad ng mga nakakasalubong ko kanina, mukhang may problema rin siya sa mundo dahil sobrang sama rin ng tingin niya sa akin. Kaya tuloy napatitig lang ako sa kanya ng ilang segundo. Nagbalik lang ako sa wisyo ng maalala ko ang tanong niya kanina.

"Ah, maaari po ba akong mangupahan dito? May nakapagsabi kasi sa 'kin na maaari raw pong tumuloy dito ang mga katulad ko. Magkano po ba ang paunang bayad?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

Ginawa kong maamo ang tono ng boses ko para hindi na siya magalit sa akin. Hindi ko nga alam kung napapansin niya na ang namumuong pawis sa noo ko. Napaatras ako ng kaunti sa kinatatayuan ko ng makita ang pagtaas ng kanyang kilay.

May mali na naman ba sa sinabi ko?

"Binibini, paumanhin ngunit ang mga tao lang na pinapatuloy ko sa aking hacienda ay ang mga taong nagtatrabaho rin sa akin," nakapamewang na usal niya habang nakataas pa rin ang kanyang kilay.

Ganito ba talaga ang pakikitungo ng mga tao sa panahong ito? Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga ng malalim bago siya sagutin.

"Gano'n po ba? May posisyon pa po ba na maaari para sa akin?"

Hindi niya ko sinagot. Sa halip ay naglakad lamang siya patungo sa isang pang-opisinang lamesa at may kinuha na isang papel doon.

"Ano ang pangalan mo at saan ka nakatira?" tanong sa akin ng matandang babae pagkatapos buklatin ang magkakapatong na papel.

Nagdalawang isip pa ko kung sasagutin ko ng totoo ang mga katanungan niya o magsisinungaling na lamang ako dahil hindi ko pa kabisado ang panahon at lugar na ito.

"Ah. . . Ako po si Rosalinda Delfin. Ako ay taga- Maynila. Ang ibig ko pong sabihin ay malapit po ako sa lugar na ito," nakangiti kong paliwanag.

Kinuha ko ang aking pitaka sa aking bulsa dahil baka makatulong ulit sa akin ang pera ko na mula pa sa taong 2020.

Naglabas ako ng bente pesos at saka ito pinakita sa matandang babae.

"Hindi ko alam kung magkano ang bayad sa pagtuloy dito. P'wede na po ba ito?"

Hindi siya sumagot sa akin, pero pagkakita niya sa aking pera at mapagmasdan ito ay nilapag niya agad ang hawak na papel sa lamesa. Pagkatapos ay hinawakan niya ang laylayan ng kanyang saya bago naglakad patungo sa direksiyon ko.

Hindi pa rin nagbabago ang expression ng kanyang mukha kaya hindi ko malaman kung anong reaksiyon niya sa pinakita ko. Nang makalapit siya sa akin ay bahagya akong nagulat ng hablutin niya bigla sa akin ang perang pinakita ko.

"Saan mo nakuha ang ganitong uri ng pera?"

Med'yo nakaramdam ako ng takot sa tono ng boses niya. Para kasing may ibang kahulugan ang tanong niya sa akin.

Tumingin nalang ako sa ibang direksiyon at saka tumingin ulit sa kanya ng makampante ko na ang aking sarili.

"B-Bigay sa akin iyan ng kamag-anak ko bago ako umalis sa kanila." Sinubukan ko ang lahat ng aking makakaya para maging normal ang tono ng boses ko upang hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.

Muli siyang tumalikod sa akin at bumalik sa lamesa na pinuntahan niya kanina. Umupo siya ng dahan-dahan sa upuan na kaharap nito at saka muling lumingon sa direksiyon ko.

"Ayos na. Maaari kanang manirahan sa aking tahanan. Ngunit bago iyon..." Yumuko siya at may kinuha sa kahera ng lamesa.

Nakita ko ang dalawang pares ng susi. Kinuha niya ang isa at binalik sa kahera. Ang isa naman ay inabot niya sa akin. Naglakad ako patungo sa puwesto niya upang abutin iyon.

"Gusto kong ipaalam sa'yo na may makakasama ka sa silid na ibibigay ko sa'yo. Kung magkakaroon ka man ng problema sa kanila ay ipagbigay-alam mo na lamang sa akin." Tumayo siya at tinitigan ako sa aking mga mata.

Nakaramdam ako ng pagkailang sa bawat pagtitig niya kaya pinikit-dilat ko ang aking mga mata.

Naglakad siya patungo sa hagdan paakyat ng ikalawang palapag. Ako ay parang aso na sumunod na lamang sa kanya.

"Ang tungkol naman sa trabahong ipapagawa ko ay malalaman mo lang kapag pinatawag ko na kayo. Makakasama mo rin sila sa trabaho. Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko naman kayo."

Pagkadating sa ikalawang palapag ay lumiko kami pakanan. Nakakagulat dahil napakadaming kuwarto ang aming nadadaanan. Kaya hindi ko alam kung gaano kalawak ang palapag na ito.

Pagpasok kaya sa loob ng bawat silid ay malawak din ang espasiyo nito?

"Pagdating naman sa mga gawain dito sa aking tahanan, kayo rin ang aasahan kong kumilos. Huwag kang mag-alala. Hindi naman mauubos ang oras mo sa pagtatrabaho dahil minsan lang naman ako mang-utos. Kung may iba ka pang katanungan katulad ng mga patakaran ko dito sa aking tahanan ay maaari mong tanungin ang mga kasama mo sa iyong silid. Matino naman silang sasagot sa'yo."

Sa dinami-dami ng sinabi niya ay isang tango at ngiti lamang ang tinugon ko sa kanya. Huminto kami sa isang silid na sa tingin ko ay nasa bandang gitna ng buong palapag. Kumatok siya dito ng tatlong beses bago nagsalita.

"Eduard, Rhean!"

Dahan-dahan namang bumukas ang pinto ng kuwarto pagkatapos tawagin ng babae ang ilang pangalan. Bumungad sa amin ang isang babae na nakasuot din ng baro't saya at isang lalake nakasuot ng barong.

Walang expression ang kanilang mga mukha kahit nakatingin sila sa may-ari ng bahay. Nang malipat ang tingin nila sa akin at magkatitigan kami, nakaramdam ako ng isang malamig na klima dahil sa lamig ng bawat titig nila.

Download APP, continue reading

Chapters

55