Chapter 4
by IceOnMyEyes
19:24,Dec 18,2020
ROSALINDA DELFIN
Nang umubo sa aming tabi ang may-ari ng bahay ay saka lamang naputol ang aming tinginan.
"Ako si Anafe. Señora Anafe ang itawag mo sa akin." Pagkatapos ipakilala sa akin ng may-ari ng bahay ang sarili niya ay una niyang tinuro ang babae na nasa harapan ko ngayon.
"Siya naman si Rhean Maureen Dela Cruz."
Yumuko lang sa akin 'yong babae at nakakamangha dahil sa simpleng galaw niya ay makikita na agad ang mahinhin niyang kilos. Nakalugay lamang ang straight niyang buhok na kulay itim. Kayumanggi ang kulay ng kanyang balat, matangos ang kanyang ilong at mahahaba ang pilikmata sa bilugan niyang mga mata.
Napakasimple ng kaniyang mukha at wala kang makikitang bakas na kolorete rito. Sunod na tinuro ni Señorita Anafe ang lalake.
"Siya naman si James Eduard Dela Cruz."
Tumingin ako rito, pero nanatili lamang siyang nakatayo habang nakatitig sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang. Naghintay pa ko na sumagot siya, pero ni kumusta ay hindi niya ginawa.
"Sila ay magkapatid at sila ang makakasama mo sa iyong magiging kuwarto at magiging trabaho."
Puro tango lamang ang tinugon ko sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Baka may masabi pa ko na kung ano sa kanila.
Naglakad palabas ng kuwarto si Señorita Anafe bago lumingon ulit sa akin.
"Maiwan na kita sa kanila." Pagkatapos ay tumalikod na siya at iniwan ako sa dalawa kong kasama.
Dala ang mga damit na pinamili ko kanina ay muli akong humarap sa dalawa kong kasama na mga bato na yata dahil sa sobrang tahimik. Ngumiti ako ng bahagya sa kanila.
"Kumusta? Maaari ko bang malaman kung saan ang magiging higaan ko sa kuwarto na 'to?" Tiningnan ko sila isa-isa at pansin ko ang pagkunot ng kanilang mga noo dahil sa pagngiti ko.
Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng silid. Kulay berde ang pintura ng kuwarto. May apat na higaan na nakahilera sa iisang direksiyon. Sa harapan nito ay may mga kabinet na lagayan ng mga kasuotan. May maliliit na study table ang pumapagitan sa bawat kama. Sa pinakadulo ng kama ay may nakasabit na malaking salamin. Napakalaki ng kuwarto, pero napuno ang bawat espasiyo ng silid ng mga bagay na binanggit ko. Nagtungo si Rhean na walang imik sa ikalawang kama malapit sa pintuan habang si Eduard naman ay nagtungo sa ikaapat na kama.
"Dito kami. Mamili kana lang sa iyo." Sa wakas ay sagot sa akin ni Rhean pagkatapos niyang makaupo sa kaniyang kama.
Ni hindi siya nag-abala pang tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang at hindi ko alam kung ano ang dapat gawin kaya pinili ko na lamang na ayusin ang iilang damit na dala ko.
Nang hindi na ko makatiis sa katahimikan na bumabalot sa amin ngayon, minabuti ko ng magsalita.
"Paumanhin ngunit maaari ba kong magtanong sa inyo?" Lumingon ako sa dalawa kong kasama na may kaniya-kaniya ng ginagawa.
Grabe! Dito na yata ako mamamatay sa panahong ito. Mukhang naramdaman naman nila ang pagtitig ko sa kanila kaya sabay silang napatingin sa direksiyon ko. Ngayon ko lang pinagsisihan ang ginawa ko ng makita ang nakakunot nilang mga noo.
"Ah, magtatanong lang sana ako." Nahihiya kong pag-uulit sa binigkas ko kanina.
Hindi sila sumagot sa pag-uulit sa binigkas ko kanina. Hindi sila sumagot sa akin kaya siguro sinasabi na rin nila kung ano ang tanong ko?
"Ay, nakalimutan ko na pala. Hahaha."
Totoo namang nakalimutan ko ang sasabihin ko dahil nakakatakaw-pansin ang seryoso nilang mukha. Kaya lang mali yata ang nagawa kong pagtawa dahil mas lalo lang naging masama ang tingin nila sa akin.
Bakit, ano naman kaya nagawa ko?
"P-Pasensiya na sa inyo. G-Galit ba kayo sa 'kin?"
Nagkakandautal na ko sa pagsasalita dahil hindi ko talaga mabasa ang sinasabi ng mata nila.
"Mamamatay ka ng maaga sa palagiang pagtawa mo, binibini."
Sa wakas at sumagot na rin sa akin si James Eduard, pero ang layo naman ng sagot niya. Natigilan ako ng maunawaan ang minungkahi niya.
Yon ba ang dahilan kung bakit parang galit sa mundo ang mga taong naninirahan dito? Mamamatay na agad kapag tumawa?
"Pinapatay ba kapag tumawa ka?" Naguguluhang tanong ko sa kanila saka ko lang naunawaan na mali pala ang tanong ko ng magsalubong ang kilay ng dalawang kausap ko.
Napatampal ako sa aking bibig habang unti-onting nilalamon ng kaba ang aking sistema.
"Binibini, saan lupalop ka ba ng mundo nanggaling at hindi mo alam ang galaw ng mundong tinatapakan mo?" tanong sa akin ni Rhean at saka pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
Sa tingin ko nagtatahi siya ng kung ano, pero sa ibang pamamaraan. Dalawang kamay niya kasi yung may hawak na karayom tapos nakapatong yung tela sa binti niya. Hindi ko masiyadong makita yung tinatahi niya dahil dahil bahagya siyang nakatalikod sa akin. Hindi pa ako makasagot sa katanungan niya dahil hindi ko rin talaga alam ang isasagot ko.
"Ah. . . Kasi. . . Ano. . . Nagkaroon ako ng karamdaman. Nabura ang ibang parte ng memorya ko. Hehe." Palusot ko at saka tumingin sa ibang direksiyon.
Sana naman maniwala sila para hindi na rin ako mahirapan na makapagtanong tungkol sa mundong ito.
"Ah, ipagbibigay-alam ko kaagad iyan kay Señorita Anafe para maturuan ka rin ng tamang asal ng isang binibini na mukhang nakalimutan mo na rin."
Nag-init bigla ang ulo ko sa nagsalitang si James Eduard. Pare-pareho talaga silang mga lalake. Lagi nilang pinapainit ang ulo ko.
"Bakit? Kailangan ko rin bang magpanggap at umakto ayon sa patakaran ng gobyerno? Para sabihin ko sa'yo ay mayroong kalayaan ang bawat tao na ipakita at gawin ang nais nila. Isang demokratikong bansa tayo, hindi ba? Kaya kikilos ako ayon sa nais ko at hindi sa dinidikta ng gobyerno!"
Ewan ko kung bakit ganito na lamang ang inis ko ngayon, siguro kasi naalala ko bigla yung lalakeng nanlako sa akin. Bakit ba kasi may lalake pa kong makakasama dito?
"Talaga ngang marami kang nakalimutan, binibini." Umiiling-iling na usal ni Rhean na nakatayo na pala sa tabi ko.
Tumayo rin si James mula sa pagkakaupo sa kaniyang kama at nagtungo sa lagayan niya ng mga libro. Kumuha siya ng isa doon bago muling umupo sa kaniyang kama ng nakaharap na sa direksiyon ko.
"Binibini, iisang gobyerno lamang ang naghahari sa buong mundo. Tayo, tayong mga mamamayan lang ay walang maaaring magawa kundi sundin sila. Isang demokratikong bansa? Nahihibang kana yata, binibini sapagkat walang ganon sa panahon ngayon. Nabubuhay na tayo sa taong 3100 at hindi sa nakaraan."
Bigla akong natigilan sa pinahiwatig ni James Eduard. Iisang gobyerno ang namumuno sa pitong kontinente? Nasa earth pa ba ko?

Xi'an Perfect Planet Internet Technology Co., Ltd. (西安完美星球网络科技有限公司) © 2020 www.readmeapps.com All rights reserved