Chapter 8

by IceOnMyEyes 14:30,Dec 19,2020

Rosalinda's POV.

"Ha? Hindi p'wede, binibining Rhean!" Napasigaw na ko dahil sa sinabi niya.

"Bakit naman hindi p'wede? Maghuhubad ka lang naman at magpapalit ng damit."

Mas lalong nag-init ang dalawang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Umiling-iling ako sa kanya at saka lumapit para makabulong sa kanyang tainga.

"Binibining Rhean, hindi ako p'wedeng basta-basta na lamang maghubad sa isang pampublikong lugar. Bukod sa makikita ang pinakaiingat-ingatan ng isang babae ay magmumukha akong porn star niyan."

Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo siyang napakunot-noo sa sinabi ko.

"Ano bang sinasabi mo? Hindi naman masamang maghubad sa pampublikong lugar," naguguluhang bulong niya rin sa akin.

Napatingin ako kay Eduard na nasa harapan namin, pero mukhang wala na naman siyang pakialam dahil patingin-tingin lang siya sa paligid. Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Rhean.

Ganito na ba sa panahon na ito?

Kanina habang naglalakad kami patungo sa trabahong naiatas sa amin -ang ibigay ang isang bagay sa taong nagngangalan na Rosetta na nakatira sa Cabilang Baybay- ay may nadaanan kaming isang park at alam n'yo ba kung anong nakita ng inosente kong mga mata? May mga tao lang naman na gumagawa ng kabalastugan at hindi lang sila hubo't-hubad, hindi lang sila dalawa kundi tatlo. Dalawang lalake at isang babae.

Muling nag-init ang dalawang pisngi ko nang maalala ang nakita.

"Binibining Rhean, talaga bang balewala lang sa inyo ang nakita n'yo kanina?"

Kay Rhean ko lang tinuon ang atensyon ko dahil nakakailang talaga kapag pinag-uusapan ang tungkol dito kasama ang isang lalake. Tumango naman sa akin si Rhean.

"Oo. Ang pakikipagtalik ba? Huwag mong sabihin na hindi mo pa nagagawa ang bagay na 'yon? Kami nga ni Eduard ay nagtalik na. Gusto mo sabihin ko kay Eduard na gawin n'yo rin. Nakakagaan ng pakiramdam 'yon."

Mahihimatay na yata ako sa sinabi ni Rhean at dahil doon ay napalingon na naman ako sa direksyon ni Eduard na nakakunot-noo na sa aming dalawa ni Rhean ngayon. Napahawak ako sa aking bibig at hindi makapaniwalang napatingin naman sa direksyon ni Rhean.

"Huwag mo sanang mamasamain, pero hindi ba magkapatid kayo? At waah! Rhean, nakalimutan na ba ng mga tao ang halaga ng pakikipagtalik?"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito. May mas lalala pa pala sa mga bagay na nalalaman ko sa panahong ito. Napansin ko ang pagtahimik ng katabi ko dahil sa aking sinabi.

"Tss. Ginagawa ang pakikipagtalik para sa mga tao na gustong sumaya o sa mga tao na walang magawa. 'Yon lang. Maghanap kana nga lang ng banyo at doon magbihis kung ayaw mo maghubad dito." Tinulak na ko ni Rhean kaya wala na kong nagawa kundi magtungo sa banyo.

Napapailing pa rin ako habang naglalakad nang maisip ang sinabi ni Rhean. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kung nasa taong 2020 lang ako ay malamang hiyang-hiya na ang mga taong katulad niya.

Nang makahanap na ko ng banyo katabi ng karinderya ay agad akong pumasok sa loob. Kailangan ko talagang magpalit ng damit at maglagay ng napkin sa panty ko dahil hindi ko naman alam na magkakaroon ako ng dalaw ngayon at dito pa talaga ko nagkaroon sa lugar na 'to, ha? Buti na lang at may nadaanan kaming nag-uukay at nakabili kami ng damit at ang napkin naman, nabili namin sa kalapit na tindahan.

Binalewala ko na lamang ang namumuo sa isipan ko nang makita ang babae at lalake sa loob ng banyo. Wala rin kasing nakalagay sa labas kung anong kasarian ang p'wedeng pumasok. Nagtungo na ko sa bakanteng cubicle at doon nagpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas na rin agad ako sa cubicle. Palabas na rin sana ako ng banyo nang matigilan ako dahil sa tatlong lalake na nakatingin sa direksyon ko. Nakangisi pa sila sa akin kaya mas lalo akong kinabahan.

Nak ng- waah! Katapusan ko na yata! Napaatras ako ng isang beses at dahil doon ay may nabangga akong tao sa likuran ko.

"Halika na at aalis na tayo."

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Eduard sa likuran ko. Suwerte pa rin pala ko kahit papaano.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at dire-diretso kaming lumabas ng banyo nang hindi sinusulyapan 'yong tatlong lalake. Buti na lang at hindi na kami hinarang ng tatlo. Nag-iiba rin pala talaga ang isip ng tao pagkalipas ng ilang taon. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang dahil napansin kong hindi pa rin pala binibitawan ni Eduard ang kamay ko.

"Sinabi ni Binibining Rhean na gusto mo raw makipagtalik sa akin kaya pinasundan ka niya sa akin. Kaya lang may tao sa banyo at nasabi sa akin ni Rhean na hindi mo raw gusto makipagtalik sa harap ng ibang tao kaya-"

Nahinto siya pagsasalita ng hilahin ko ang kamay ko na hawak niya at napayuko. Huminto kami sa paglalakad.

"B-Baliw ka ba? Hindi ako katulad ng mga tao dito na walang pakialam sa salitang virginity. Nakasalalay ang virginity ko sa taong pakakasalan ko balang araw no!" Umangat ako ng tingin at napairap nang makita na nakatingin siya sa direksyon ko.

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng dalawang pisngi ko.

"Tss. Ibang klase talaga ang isip ng Binibining katulad mo."

Muli akong napaharap sa kanya nang marinig ang sinabi niya. Aangal pa sana ako, pero tumalikod na siya sa akin at nauna ng maglakad. Bago siya makatalikod sa akin ay hindi nakaligtaan ng aking paningin ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa kauna-unahang pagkakataon.

Tumakbo ako at hinabol siya. Nawala na yata sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin kanina dahil awtomatiko akong napangiti rin ng makita ang ngiti niya.

Akalain mong marunong pa lang ngumiti ang tulad niya? Mukhang mas nauna pa siyang matutong ngumiti kaysa kay Rhean kahit na mas masungit si Eduard sa kapatid niya. Hindi ko nga akalain na ngingiti siya eh.

Ano naman kaya ang dahilan ng pagngiti niya? May nasabi ba kong nakakatuwa? Ulitin ko kaya ang salitang 'yon lagi pati kay Rhean para araw-araw na silang nakangiti. Kaya lang ay baka maging sirang plaka ako sa harapan nila. Hahaha.

Nang magkapantay na kami sa paglalakad ay nakangiti kong tinusok-tusok ang kanyang tagiliran para kilitiin siya at asarin, pero mukhang wala siyang kiliti dahil nakakunot na naman ang noo niya sa akin.

"Yiee. Ikaw ha. Kunyari ka pa, pero marunong ka rin naman pa lang ngumiti."

"Ano bang sinasabi mo? Tigilan mo nga ang pagtusok mo sa tagiliran ko. Sige at hahalikan na kita."

Hindi pa rin ako tumigil kahit na nagbanta na si Eduard sa akin.

"Alam mo, Eduard. Bukod sa libangan o kasiyahan, ang pagtatalik o paghalik ay ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan."

"Tss. Ilang beses ko bang uulitin sa 'yo na bawal magmahal sa mundong ito."

Natahimik ako sa sinabi ni Eduard.

Oo nga pala. . .

Magsasalita pa sana ako ulit, pero sinalubong na kami ni Rhean na mapang-asar na nakatingin sa amin dalawa ni Eduard.

Akala niya siguro ay ginawa namin iyon ni Eduard.

Naisip ko bigla, bakit nga ba ako napunta sa panahon na ito?

Siguro kasi narito ako para ibahin ang baluktot na pag-iisip ng mga tao sa panahon na ito. Para ipaalala sa kanila ang mga dating gawi ng mga tao na kinalimutan na sa panahon na ito.

Siguro nandito ako para ipaalala sa kanila na kahit kailan ay hindi magiging kasalanan ang magmahal.

Download APP, continue reading

Chapters

55