Chapter 9

by IceOnMyEyes 17:05,Dec 20,2020

ROSALINDA DELFIN

Hanggang ngayon ay nakaupo pa rin kami rito sa ilalim ng arko ng Cabilang Baybay dahil hinihintay pa rin namin na dumating si Rosetta bago kami makauwi. Maghahapon na nga rin at pare-parehong nangangawit na ang aming katawan sa kakaupo at kakatayo sa kakahintay sa taong iyon.

"Baka naman hindi na tayo siputin ng nagngangalan na Rosetta? Kanina pa tayong umaga, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa malaking bato at naglakad pagbalik-balik sa harapan ng dalawa kong kasama.

"Pupunta 'yon. Maghintay pa tayo. Hindi pa naman oras ng pamamahinga eh."

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Rhean na nakatingin ngayon sa hawak niyang orasan. Uso pa rin pala sa panahon na ito ang maghintay ng matagal kahit malabo at wala ng pag-asa? Wow. Uso pa rin pala ang 'filipino time' dito?

Pero, natigilan talaga ko dahil sa huling sinabi ni Rhean.

"Anong oras ng pamamahinga ang sinasabi ninyo?" tanong ko sa dalawa.

Alam ko kasi ay araw lang ng pamamahinga ang mayro'n at 'yon ay nagaganap tuwing araw ng linggo, 'di ba?

Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ko at pagkatapos ay walang expression silang tumingin sa akin.

"Pati 'yon ba naman ay hindi mo alam? Saan lupalop ka ba nakita ni Señora Anafe at parang hindi ka taga-dito sa planetang ito nabibilang?"

Sinamaan ko ng tingin si Eduard dahil sa kanyang sinabi. Ako pa talaga ang taga- planetang Mars ngayon na napadpad sa planetang Earth ha!

"Tumahimik kana nga lang, Ginoong Eduard. Wala ka rin naman magandang sinasabi. Binibining Rhean, ano ba 'yong sinasabi mong oras ng pamamahinga?" Binalingan ko ng tingin si Rhean at naghintay ng isasagot niya.

"Binibining Rosalinda, ang oras ng pamamahinga ay nagaganap tuwing paglubog ng araw. Ibigsabihin nito, tuwing lulubog na ang araw, kailangan ay wala ng naggagalang mga tao sa labas dahil kapag nahuli ng mga guwardiya civil ang sino man na lumabag ay agad silang babarilin at papatayin."

Kinilabutan ako sa minungkahi ni Rhean. Patay agad at wala ng kulong-kulong? Naalala kong hapon na pala at malapit na ring lumubog ang araw. Hindi pa dumadating ang hinihintay namin tapos maglalakad pa kami pabalik ng mansion.

"Waah! Ayokong mamatay dito sa panahong ito!"

Tumingin ako sa dalawa kong kasama at doon ko lang naalala kung ano ang sinabi ko kani-kanina lang. Nakakunot na naman ang mga noo nila sa akin at mukhang naguguluhan na naman sila sa sinabi ko.

"Hindi ba kayo natatakot? Baka abutan tayo ng sinasabi n'yong oras ng pamamahinga!" Palusot ko na lang sa kanila.

Totoo rin naman ang tanong ko eh. Muntikan ko pang masabi sa kanila kanina kung saan panahon talaga ko nagmula, pero ayoko talagang mamatay sa mundong ito! Sa mundong marami ng nagbago. Mukhang wala naman pakialam ang dalawa sa tanong ko at mukha rin naman na hindi sila gano'ng nag-aalala, pero kapansin-pansin ang pagtahimik nila dahil sa sinabi ko.

"Mahal n'yo ba buhay ninyo?" Iniba ko na lang ang tanong ko sa kanila, pero hawig pa rin ng una kong tanong. Baka sakaling masagot na nila.

"Bawal nga magmahal," paalala na naman sa akin ni Eduard na muli kong ikinasimangot.

"Sabi ko nga kahit sarili na 'ting buhay bawal na 'ting mahalin," naaasar kong usal sa kanya.

Muli na naman silang natahimik. Hindi na kami nakapag-usap ulit nang may tumigil sa harapan namin na isang babae. Nakabalunbon ang kanyang buhok. Nakaduster siya na bulaklakin, nakasuot ng bakya at sa tingin ko ay hindi pa siya gano'ng katanda, pero hindi rin naman siya gano'ng kabata. Siguro naglalaro sa 30s ang edad niya.

"Ako si Rosetta. Nasaan na ang bagay na binili ko?" Inabot niya sa amin ang isang kayumangging sobre na maaaring naglalaman ng kanyang bayad.

Wala man lang siyang 'hi' or 'hello' sa amin. Grabe talaga mga tao sa panahong ito.

Kinuha ni Rhean ang sobre at inabot naman sa babae ni Eduard ang isang supot na kulay itim. Pare-pareho naming hindi alam kung ano ang laman no'n dahil inabot lang din sa amin 'yon ni Señora Anafe. Pagkatapos namin magkaabutan ay umalis na rin agad 'yong babae. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay tapos na rin ang trabaho namin ngayong araw.

"Tsk. Bilisan na na 'ting makauwi dahil 5:30 na ng hapon. Malapit na ang oras ng pamamahinga."

Nataranta ako bigla sa inanunsyo ni Rhean.

"Sumakay na tayo ng kahit anong sasakyan na mapapadaan," natataranta kong usal sa kanila ngunit sabay lang silang nagbuntong hininga sa akin.

"Wala ng gaanong dumadaang sasakyan kapag ganitong oras. Kung maghihintay pa tayo ay mas lalo lang tayong matatagalan." Tumayo si Eduard at pinagpag ang nadumihan niyang pantalon.

"Wala tayong ibang magagawa kundi maglakad na lang pauwi," dugtong naman ni Rhean sa sinabi ni Eduard at saka tumayo na rin.

Bumalik ang kaba sa aking dibdib dahil sa pinahayag nila. Sana naman walang masamang mangyari sa amin.

*

Sinasabi ko na nga ba ay may kapalit ang lahat ng kasuwertehang natatamasa ko. Heto kami ngayon nina Eduard at Rhean, nagtatago sa isang eskinita dahil inabutan na kami ng oras ng pamamahinga. Marami na rin kaming nakitang guwardiya civil na dumaan, pero buti na lang at hindi kami nakikita. Malapit na rin kami sa mansion, pero hindi kami makaalis sa pinagtataguan namin dahil baka may sumulpot na guwardiya civil sa dadaanan namin.

"Ano ng gagawin na 'tin, Rhean at Eduard?" bulong ko sa dalawang katabi ko habang palinga-linga sa paligid ko.

Baka kasi biglang sumulpot ang guwardiya civil sa tabi namin eh.

"Kailangan na 'ting maghubad para bumaba ang tiyansa na makita nila tayo."

Napatingin ako kay Rhean dahil sa sinabi niya.

"Yan ka na naman. Sinabi ko na-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang tinakpan ni Eduard ang bibig ko.

"Huwag kang maingay, Binibini. Baka marinig nila tayo."

Naramdaman ko ang malamig na hininga ni Eduard sa aking tainga ng magsalita siya. Tumingin ako sa tinitingnan nila ni Rhean at nakita ko ang dalawang guwardiya civil na mukhang may pinag-uusapan, pero hindi namin sila gaanong marinig. Buti na lang nakatulong ang kadiliman ng paligid para hindi nila kami makita.

Sandaling nahinto ang paghinga naming tatlo. Hindi rin kami gumagalaw dahil pakiramdam namin, kapag gumalaw kami ay katapusan na ng mundo. Nakakainis dahil malapit pa talaga sa amin huminto ang dalawang guwardiya civil para magdaldalan lang. Hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang mabigat na paghinga ni Eduard sa batok ko, pero bakit gano'n? Ang lamig ng hininga niya? Kailan pa naging malamig ang hiningang nagmumula sa tao?

Gano'n pa man ay nanatili kaming alisto sa aming paligid. Ultimo huni ng ibon ay naririnig na namin dahil sa lakas ng pakiramdam namin sa paligid. Sa katahimikan ng paligid ay nararamdaman at naririnig ko na rin ang malakas na tibok ng aking puso dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko ngayon.

Samantala, parang tumigil ang pagtakbo ng oras nang biglang bumahing si Rhean na nasa harapan ko. Napalingon ang guwardiya civil sa direksyon namin at agad na tinutok ang kanilang mga baril sa amin.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin, pero agad kong niyakap si Rhean at tumalikod sa mga guwardiya civil nang marinig ko ang pagputok ng baril.

Sana ay tama lang ang pinili kong aksyon.

Download APP, continue reading

Chapters

55